Tuesday, June 20, 2006

Tagay -Tayo!

Katulad ng nabanggit sa header sa taas, ang blog na ito ay mga kuro-kuro, ideya, pagninilay, eksegesis ng mga pagbasa tuwing Araw ng Linggo para makatulong sa pagbabasa at pagpapaliwanag nito, baka makatulong din ito sa makabuluhang pakiisa sa liturhiya.

Malimit ang salita ng Diyos ay inihahambing sa pagkain o tinapay (Ezekiel 3:1) o kaya sa ilawan (Salmo 119:105) Kaya sa pagpili ng pangalan nitong blog, naisip ko ang "Pandesal" (pinoy version ng Daily Bread) pero ginagamit na ito. O pwede sanang "Tanglaw", gasgas na rin ito.

Kaya eto na lang: Tagay-Tayo! Medyo bulgar ang pananalita dahil bokabularyo 'to ng mga lasing. Pero nakipag-tagayan din si Hesus (Juan 2:1-3). Napagkamalang pa nga syang lasenggero (Mateo 11:19)! Tsaka, iniimon din ang salita ng Diyos (Juan 4:14).

Kasalan sa Cana
likha ni Giotto (1236-1337)

Okey din kasi kapangalan 'to ng isang tanyag na lungsod sa Cavite, ang Tagaytay kung saan naroon ang Divine Word Seminary, ang paaralan ng mga nagpapakadalubahsa sa teolohiya.

Kung gusto mong malamang bakit pinangalanang "Tagaytay" ang lungsod, pindutin mo 'to.

Ang Taal Lake, tanawin mula Tagaytay City

0 Comments:

Post a Comment

<< Home